Lokalisasyon ng Video Game

MGA SERBISYO SA PAGSASALING-WIKA

Nag-aalok ang Localsoft ng mga serbisyo sa pagsasaling-wika na may mataas na kalidad para sa industriya ng video game. Nakapagsalin na kami ng libu-libong mga pamagat ng videogame simula 1988.

MGA SERBISYONG AUDIO

Nagbibigay ang Localsoft ng mga serbisyo sa pagda-dub at post-production para sa pandaigdigang merkado gamit ang mga voice talent na propesyonal at sa sariling wika.

MGA SERBISYO SA TESTING

Sinisiguro ng aming mga serbisyo sa testing ang pinakamataas na kalidad ng inyong mga naisalokal na asset kasama ang text, audio, sining, cinematics, mga subtitle at mga alituntunin para sa Unang Partido.

3000

MGA VIDEO GAME NA NAISALOKAL

30

MGA TAON SA NEGOSYO

1500

MGA TAGAPAGSALIN NG VIDEO GAME

50

IBA'T IBANG MGA WIKA

Mga Serbisyo sa Pagsasaling-wika

Nagbibigay ang Localsoft ng propesyonal na mga serbisyo sa pagsasaling-wika sa higit 50 wika para sa industriya ng video game. Lahat ng aming tagapagsalin ay sinubok nang mabuti, pinili at sinanay upang magbigay ng pinakamataas na antas ng kalidad. Nagsasalin lamang ang mga tagapagsalin namin sa kanilang sariling wika at lahat ng file ay winasto ng pangalawang dalubwika bago ipadala. Lahat ng aming tagapagsalin ay mahilig sa mga laro at alam ang pinakabagong mga terminolohiya at alituntunin sa laro.

Mga eksperto sa lokalisasyon ng video game

Ang pinakahuling mga alituntunin ng Microsoft, Nintendo at Sony

Kontrol sa Kalidad: ISO 9001 at EN15038 Sertipikado

Mahigit sa 3000 pamagat ng video game ang naisalokal mula 1988

Malaking kapasidad para sa malalaking proyekto

Pagsa-subtitle

Kaya naming gumawa sa lahat ng malalaking platform

Mga Serbisyong Audio

Nagsisilbi ang Localsoft sa industriya ng video game sa pamamagitan ng natatanging mga serbisyo sa audio na nagpapahusay sa inyong mga laro at sa presensiya nito sa internasyonal na merkado. Maaasahan ninyo ang Localsoft na magawa ang inyong dubbing sa iba’t ibang wika at mga pre/ post-production na gawain sa loob ng napagkasunduang panahon na may mataas na kalidad.

Pagsasalin ng Iskrip

Pagdidirek ng Boses

Limitasyon sa Oras / lip-synch

Mga internasyonal na recording studio

Voice-over

Malaking grupo ng mga internasyonal na voice talent

KONTAKIN KAMI PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON

Mga Serbisyo sa Testing

Sa pandaigdigang merkado ngayon, napakahalaga ng testing. Ang mga maling pagsasalin, maling baybay, di-wastong interpretasyon sa kultura, dumoble o sumobrang text, maling audio, atbp., ay magreresulta sa pagkadismaya ng naglalaro at higit sa lahat sa pagkawala ng benta. Nag-aalok ang Localsoft ng mabusising Localization Testing upang matiyak ang pangwakas na kalidad ng inyong mga naisalokal na asset sa inyong mga laro.
Testing ng lokalisasyon

Mga tester na sariling wika nila ang target na wika

Pagkakumpidensiyal

Ligtas na mga biometric testing lab

Mga test kit para sa Unang Partido

100 upuan (napapalaki)

Ilang klasikong mga laro na naisalokal namin

Ang ilan sa aming mga Kliyente

ANONG SINASABI NG AMING MGA KLIYENTE

Tungkol sa Localsoft

Ang Localsoft, S.L. ay isa sa mga nangungunang kumpanya sa lokalisasyon ng video game sa mundo

Sa libu-libong natapos na mga naisalokal na pamagat ng laro, nag-aalok kami ng premium na mga serbisyo sa lokalisasyon para sa industriya ng laro kasama na ang pagsasalin, pagwawasto, desktop publishing, pagsa-subtitle, audio at testing. Ipinagmamalaki namin ang aming trabaho at ginagarantiya ang pinakamataas na kalidad ng serbisyo.

Espesyalisasyon namin ang katamtaman hanggang malalaking mga proyekto at bumubuo ng mga team para sa proyekto na tumutugma sa partikular ninyong pangangailangan.

Nagbibigay ang Localsoft ng isang solusyon para sa lahat ng inyong pangangailangan sa lokalisasyon. Nakakasiguro kayo na ang inyong mga proyekto ay maihahatid sa tamang oras, badyet at may pinakamataas na antas ng kalidad at pagkakumpidensiyal.

Kontakin Kami

Mangyaring kontakin kami gamit ang mga detalye sa ibaba o kumpletuhin ang aming form ng katanungan para sa libreng quote.

Email

Maaari ninyo kaming i-email sainfo@localsoft.com

Telepono

Huwag mag-atubiling itawag sa amin ang inyong tanong sa+34 952 028 080.

Address

Localsoft, S.L.
Calle Marie Curie, 5
29590
Spain

Form ng Katanungan